Monday, November 19, 2012

I NOT ASHAMED!!!

Romans 1:16 "For I am not ashamed of the gospel of Christ: for it is the power of God unto salvation to every one that believeth; to the Jew first, and also to the Greek."


First day ng klase ko ngaun pra sa 2nd sem.,at masasabi ko namang maganda ang takbo ng unang araw ko. Hindi ko alam kung panu ko sisimulan yung kwento ko ngaun.

Siguro nagtataka kayo kung bakit "I AM NOT ASHAMED" yung title, ganito kasi yun.....

Sembreak pa lang napakalakas na ng conviction sa akin ng Lord na sa first day ng klase ipresent ko na sa buong class yung sarili ko as Christian. In what way yung ngaun ang problema ko, tapos naalala ko na nung 1st day ng 1st sem ay may isa rin akong classmate na Christian na nag share ng gospel. Kaya sabi ko sa 1st day ay magshashare ako ng Gospel., pero alam ko naman sa sarili ko na medyo weak ako pagdating doon kasi hindi ako sanay na tumayo sa harap at mag exhort , pero deep in my heart God is telling me na dapat sa 1st day ng 2nd sem yung mga classmates ko ay makarinig ng Gospel ng Lord. Tapos kagabi, sunday, mas lumakas yung conviction sa akin ng Lord, hindi ako mapakali, parang feeling ko sobrang excited na ako,. hanggang sa kagabi I finally made a decision kahit last minute na, na magsheshare ako ng Gospel kahit di ko alam kung ano yung gagawin ko kinabukasan. Nag-aral ako ng tungkol sa SALVATION , and then sa akong devotion binigay sa akin ng Lord yung John 8:12 "Then spake Jesus again unto them, saying, I am the light of the world: he that followeth me shall not walk in darkness, but shall have the light of life." yung naka underline and italicized yun yung sinabi kong GO Signal ng Lord sa akin na magshare, sabi ko nga "Lord gusto ko na magshine yung light of salvation mo through my life" that same night tinext ko yung isa kong ka churchmate and classmate na ipagpray nila ako kasi gusto ko magshare kinabukasan. Hanggang sa mga sigro 11pm na ata ako natapos magaral nun, then natulog na ako kasi 7am ang pasok ko kinabukasan. Bago ako matulog sabi ko sa Lord sa prayer na kung will nya talaga na magshare ako dapat may vacant time kami, o may professor na hindi papasok sa amin.

At dumating na ang pinakakinasasabikan kong araw Nov. 19,2012. Ito na, sa totoo lang medyo naintimidate ako sa mga bago kong mag classmates though very dominant pa rin yung grupo namin kasi kakaunti lang yung mga nahalo sa amin na taga ibang section, pero sabi ko sa Lord "Hindi ko hahayaang mainitimidate ako sa kanila." So nagintay kami sa prof namin, 30 mins na ang nakakalipas wla parin, so habang nagiintay ako pinakinggan ko yung isa sa mga teaching ni Bro.Eddie na ang topic ay tungkol sa pagiging Born Again, at habang nakikinig ako sinabi sa akin ng isa kong classmate (hindi sya yung classmate na tinext ko ha) "Share,share" ang ibig nya palang sabihin ay magbahagi ako ng word of God, pero hindi ko sya sineryoso kasi mukha syang nagbibiro, pero ginatungan pa ng isa kong classmate, hanggang sa nagsalita na yung classmate ko na tinext ko nung gabi na sabi ko daw ay magsheshare daw ako. Answered prayer pala ako nun kasi wala talaga kaming prof.

Kaya ayun medyo nagpapilit pa ako ng kaunti, kasi bigla akong kinabahan, pero para sa Lord kinaya ko, tumayo ako, at ayun binahagi ko yung planong kaligtasan ng Lord sa buhay natin, yung iba nakinig, yung iba parang wala lang, pero syempre kasama naman talaga yun, kaya ipinagpatuloy ko yung pagbabahagi. hindi ko na ikikwento kung anu-ano yung pinagsasabi ko sa harap kasi malalamang alam nio na rin naman yun. Sabi ko sa sarili ko na alam ko na maykulang din sa mga nasabi ko sa harap kasi medyo kinabahan ako kasi first time ko yun, pero ang Lord na ang bahalang magpuno ng mga bagay na iyon. Sinabi ko rin na kahit ganoon yung tsura ng iba habang nakatayo ko sa harap alam ko somehow na touch yung buhay nila at macoconvict sila, syempre hindi naman tau man pleaser but God pleaser. Alam ko sa sarili ko na iyon na sa ginawa ko na iyon napasaya ko ang Lord, nakapagbigay ako ng glory sa Kanya, kasi yung lang naman yung purpose natin kung bakit tayo nabubuhay. Para mabigyan ng glory and honour si God.

Siguro may nakakarelate sa istorya ko, ito lang yung iiwan kong word of encouragement sa iyo/inyo, na wag nating isipin kung anu yung iisipin ng tao kapag nagbabahagi tayo ng word of God, mas mahalaga ang iniisip ng Lord. Kung nahihiya man tayo dapat i-overcome natin iyan, mahiyain di ako talaga pero kung para sa Lord gagawin ko, WE SHOULD NOT BE ASHAMED OF CHRIST.

 So ayun lang po,. salamat po. To God be the glory.

P.S : salamat po sa mga pinagtyatyagaan po yung blog ko, pasensya na po kung may typographical errors ako, wrong grammar etc. I'm open for suggestion and comments wag lang po below the belt. And kung na bless po kayu pede nio po itong i-share sa Facebook, twitter, at sa iba pang sites po. God bless po.

No comments:

Post a Comment